Naaalala mo pa ba?

Naaalala mo pa ba nang unang magtagpo ang ating mga mata? Nakaupo ako sa hagdanan sa may paanan ng simbahan habang ikaw ay nakatitig sa aking mumunting mga paa. Hindi ko alam kung anong tinitignan mo kaya madali akong tumingin sa mga ito. Wala namang kakaiba at kagaya pa rin naman sila nang dati — maliit, maputi, pero pang-bata.

Napansin mo sigurong nakaabang lang ako sa maaari mong gawin anumang sandali nang mga oras na iyon kaya dali-dali mong inialis ang iyong dilat sa akin. Tumakbo ka papalayo at hindi na tumingin pabalik. Nahiya ka ba? Pasensiya ka na kung ang tingin ko noon ay puno nang pangaalipusta.

Naaalala mo pa ba nang muling magtagpo ang ating mga mata? Nakaupo ako sa duyan sa may parke habang hinihintay ang aking ama. Nahuli na naman kitang nakatitig sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay sa akin ng mga kamay ang iyong pansin. Hindi ko alam kung bakit ka nakatitig kaya mabilis akong sumulyap sa mga ito. Wala namang kakaiba at kagaya pa rin naman sila nang dati — maliit, maputi, pero pang-bata.

Napansin mo sigurong nakatingin na naman ako sa iyo at nakaabang sa maaring maging aksyon ng mga paa mo at ikinagulat ko nang ikaw ay lumapit at sinabi ang ngalan mo. Higit pa doon, isinaad mo sa akin ang kwento ng buhay mo. Sa mga ganitong pagkakataon iritable ako sa mga tao subalit hindi ko alam kung bakit sa iyo ay nakinig ako. Hindi ka na tumakbo at niyaya mo akong maglakad papalayo. Tumanggi ako dahil inaabangan ko ang pagdating ng aking ama at ngumiti ka lang kasabay nang pamamaalam mong may pag-asang dala. Makikita pa ba kita? Pasensiya ka na kung ang tanong kong iyan ay puno nang pangamba.

Naaalala mo pa ba nang huling magtagpo ang ating mga mata? Nakaupo ako noon sa may beranda habang ikaw ay nakatayo sa may tabi ng kama. Nahuli kitang nakatitig sa akin at sa pagkakataong ito ay sa akin ng mga mata. Alam ko kung bakit kaya mabilis kong inialis ang aking sariling titig. May iba. May mali. May hindi tama.

Napansin mo sigurong hindi ako komportable sa kinalalagyan natin at lalo na sa iyong mga tingin. Lumapit ka at dahan-dahan akong lumayo at naghanap ng kahit anong bagay na pwedeng hanapin para lang mawala sa isip ko ang mga bagay na posible mong gawin. Hinila mo ako papalapit sa iyo ngunit pagpupumiglas ang aking naging tugon sa bawat atake ng kamay mo. Inilapit mo ang iyong mukha isang pulgada mula sa aking leeg at sinimulang magpadala sa bawat sigaw ng demonyo.

Teka. Sandali. Unti-unti akong nalulunod mula sa baso ng tubig na ipinainom mo.

Gumising akong nakatanggal ang bawat saplot na kanina lamang ay aking suot. Naroon ka, sa tabi ko, at ang himbing ng tulog mo. Doon ko lamang napagtanto kung ano ang nangyari at dahan-dahang namuo ang galit sa aking pag-uugali. Kinapa ko ang balisong sa aking bulsa na regalo ng aking ama at lagi kong dala saan man ako magpunta at itinusok ang bawat iyong mga mata. Masakit ba? Gusto kita ngunit pasensiya ka na.

Naaalala mo pa ba kung paano magtagpo ang ating mga mata? Ako, hindi na.

Leave a comment